Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga miyembro ng Justice Sector Coordinating Council o JSCC na ituloy ang streamlining at digitalization ng kanilang frontline at back-end service bilang bahagi ng nationwide jail decongestion efforts nito.
Sa kanyang mensahe sa ginanap na National Jail Decongestion Summit, sa pagtanggap sa teknolohiya at mga makabagong kasanayan, mapapahusay nito ang kahusayan, mabawasan ang mga pagkaantala, at matiyak ang mabilis at patas na paglilitis sa batas.
Nilalayon ng summit na pagsama-samahin ang mga eksperto sa batas, ahensya ng gobyerno, international organization, at advocates upang talakayin at magtatag ng mga bagong patakaran at hakbangin upang mapabilis ang pagproseso ng mga kasong kriminal at maibsan ang siksikan sa kulungan sa bansa.
Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos na ang kaganapan ay naaayon sa prayoridad ng administrasyon na i-decongest ang mga kulungan sa Pilipinas at mga pasilidad ng bilangguan, at pahusayin ang kahusayan at bisa ng sistema ng hustisya sa bansa.