Mayroon nang mga istratehiya si incoming DSWD Sec. Erwin Tulfo upang matugunan ang mga isyu sa pamamahagi ng ayuda mula sa gobyerno.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Tulfo na kabilang sa kanilang tututukan ang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) at ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4PS.
Aminado si Tulfo na nahirapan ang DSWD nang una itong mamahagi ng SAP bilang tulong sa mga mahihirap na pamilya na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Hindi handa yung kahit anong gobyerno na tumama itong COVID-19, dapat kailangan bigyan ng ayuda ang lahat ng mamamayan so..medyo nahirapan iyan at medyo nangapa muna ang DSWD sa ilalim ni Secretary Bautista pero pagkalaunan ay nagawan din ng paraan.
Ayon pa sa incoming DSWD chief, kabilang sa kanilang aalamin at pag-aaralan kung sino ang mga dapat na makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan partikular sa 4PS.
Ang plano ko diyan ay magtatatag tayo ng research and investigative team para tignan talaga at siguro isang araw ay mag aanunsiyo tayo kung may mga alam sila na kapitbahay, kamag-anakan na nasa 4Ps pa rin na hindi na kailangan tumanggap e i-report sa atin para maimbestigahan iyon…