Hindi naman sadyang masama ang synthetic acetic acid subalit ang mga produktong gawa rito ay dapat na maayos na naka label.
Ayon ito kay Dr. Carlo Arcilla, director ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI), subalit dapat na ipabatid kung naglalaman ng synthetic acetic acid ang isang produkto.
Sinabi ni Arcilla na bahala na ang publiko kung bibilhin pa rin ang mga produktong may sangkap na synthetic acetic acid.
Una nang nagsagawa ng test ang PNRI at lumalabas na 15 mula sa 17 brand ng suka ay nagtataglay ng artitifical ingredients.
Kasabay nito, inihayag ng PNRI na isasalang din nila sa test ang mga brand ng patis at toyo para malaman kung gawa ang mga ito batay sa standard production processes.