Nangangailangan ng permiso o marketing authorization mula sa Food and Drugs Administration (FDA) tulad ng certificate of product notification o certificate of product registration depende sa health risk ng mga produkto bago ipalabas ng Bureau of Customs (BOC).
Nilinaw ito ng customs sa gitna na rin ng COVID-19 outbreak sa bansa.
Nabatid na nakipag-ugnayan ang FDA sa BOC hinggil sa foreign donations tulad ng personal protective equipments (PPE) kagaya ng face masks, N95 masks, shoe covers, gloves, head covers at gowns para ma-exempted sa FDA clearance.
Nais din ng FDA na ang mga kumpanya maliban sa medical device establishments na gumagamit ng face masks at trabaho at para lamang sa gamit ng kumpanya ay direkta nang makapag-import nang hindi na kailangang kumuha ng certification mula sa FDA.
Habang ang mga importer ng PPE’s na gagamitin o ibebenta sa merkado ay i-exempt na rin sa CPN/CPR sa kondisyong makakapag prisenta sila ng kopya ng license to operate at proof of application for product notification sa FDA.
Nilinaw kapwa ng FDA at BOC na priority nila na mapabilis ang proseso sa pagpapalabas ng PPE’s para sa donation and commercial purposes.