Epektibo ang mga inilatag na programa ng gobyerno bilang pagtugon sa COVID-19.
Ito, ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Team, kung saan sinabi pa nito na marami mang hamon sa simula ng pandemya ay nalusutan naman ito ng bansa sa pamamagitan ng bakunahan at pagtutulungan ng bawat isa.
Katunayan aniya ay kabilang ang Pilipinas sa mga mayroong magandang pandemic COVID situation sa Southeast Asia.
Gayunman, inirekomenda ng OCTA na ituloy pa rin ang operasyon ng One Hospital Command Center at iba pang mga programa na may kaugnayan sa pagtugon sa COVID-19.