Ayon sa isinagawang survey ng OCTA Research mula September 30 to October 4, 2023, naipakitang bumaba nang mahigit isang milyong pamilya ang nakararanas ng gutom at hirap sa Pilipinas.
Para kay National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Lope Santos III, patunay ito na epektibo ang mga direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sektor ng agrikultura upang malabanan ang kagutuman at kahirapan.
Patuloy na sinisikap ng pamahalaan na pababain ang presyo ng bigas at iba pang agricultural products sa bansa. Matatandaang ipinatigil ni Pangulong Marcos ang pangongolekta ng local government units (LGUs) ng toll fees at iba pang uri pass-through fees sa mga sasakyang may dalang paninda at kalakal. Isa ang pagbabayad ng pass-through fees sa mga dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng mga produkto at serbisyo.
Sa pagsuspinde ng pangongolekta ng pass-through fees, mababawasan ang production cost ng mga paninda at kalakal. Dahil dito, bababa rin ang presyo ng mga bilihin. Hangad ni Pangulong Marcos Jr. na kontrolin ang epekto ng inflation rate sa bansa kaya niya ginawa ang aksyong ito.
Masasabing epektibo ito dahil sa pinakahuling ulat na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba na ang inflation rate ng 4.9% ngayong October 2023 mula sa 6.1% noong September.
Malaking bahagi ng pagbagal ng inflation ang mga sunod-sunod na direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na nagbibigay ng proteksyon sa mga magsasaka at konsyumer.
Nariyan ang patuloy na suporta ng Pangulo sa mga magsasaka gaya ng pamamahagi ng cash assistance, fertilizers, at rice seeds, pati na rin ng machineries. Hinihikayat din niya ang mga magsasaka na i-adapt ang modern farming techniques at technologies sa pamamagitan ng edukasyon. Sa pagpapalakas ng agriculture sector, mapupunan ang kakulangan sa supply ng agricultural products nang hindi na kinakailangang mag-import. Matitiyak nito ang mababang presyo ng mga bilihin.
Bukod sa mga ito, mayroon ding Food Stamp Program ang pamahalaan na inilunsad noong September 29, 2023 sa Dapa, Surigao del Norte. Bibigyan ang mga napiling food-poor families ng Electronic Benefit Transfer (EBT) cards na may lamang 3,000 pesos worth of food credits kada buwan. Maaari itong gamitin upang makabili ng bigas, prutas, gulay, karne, at iba pang healthy foods.
Naniniwala si Pangulong Marcos na sa pagtutulungan at tiwala, makakamit ng mga Pilipino ang isang matatag at masaganang buhay. Aniya, patuloy na sisikapin ng kanyang administrayon na walang Pilipinong magugutom at maghihikahos.