Nakalatag na ang mga programa para isulong ang “renewable energy sources”.
Ito’y alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) kung saan kaniyang sinabi na bilisan at damihan pa ang mga planta ng kuryente na gumagamit ng enerhiyang malinis at hindi nakasisira sa kalikasan.
Ayon kay Energy undersecretary Wimpy Fuentebella, mayroon nang programa ang ahensya para sa pagsasakatuparan ng renewable energy source.
Dagdag pa ni Fuentebella, inaayos na rin ang batas na magpapabilis ng pag-apruba ng mga powerplant projects.
Ayon kasi sa grupong Developers of Renewable Energy for Advancement (DREAM), hindi madaling makakuha ng permit para makapagtayo ng planta sa Pilipinas.
Gayunman, sinabi ni Fuentebella na hindi agad-agad matatanggal ang mga coal power plant bagamat may masamang epekto ito sa kalikasan dahil sa klase ng planta na ito aniya nakadepende pa ang matatag na suplay ng kuryente ng bansa.