Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ipagpapatuloy ng kaniyang administrasyon ang mga programa para sa mga kabataan, kababaihan at mga may karamdaman.
Sa kaniyang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni PBBM na kaniyang palalawigin sa susunod na taon kabilang na dito ang programa kaugnay sa Anti-violence against Women and Their Childrens kasama na ang counseling para sa mga biktima ng pang-aabuso, at supplemental feeding program.
Bukod pa dito, tiniyak din ni PBBM ang pondong ilalaan para sa vulnerable sectors o may mga karamdaman at Persons With Disabilities (PWDs).
Aminado ang Pangulo na hindi parin nawawala ang banta ng COVID-19 lalo’t mayroong mga nadidiskubreng panibagong variants ng naturang virus pero hindi na umano kakayanin kung muling hihigpitan ang restriksiyon sa bansa.
Sa kabila nito, tiniyak ni Marcos na nakikipagtulungan na ang iba’t-ibang mga ahensya ng gobyerno sa pagmomonitor sa kaso ng Covid-19 para maiwasan ang pagsirit ng nakakahawang sakit.