Maaari nang makabiyaheng muli ang mga provincial buses para sa mga point-to-point na ruta.
Ito ang inanunsyo ng Malakanyang matapos ito bigyan ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang gabinete.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, una na rin itong inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mga local government units na nakasasakop sa destinasyon, stop over o transit terminals.
Sinabi ni Roque, hinihintay na lamang ang ipalalabas na guidelines ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB para sa muling pagbiyahe ng mga point-to-point provincial buses.