Aprubado na ng NEDA o National Economic and Development Authority ang 11 pangunahing proyekto ng Administrasyong Duterte.
Ito’y ayon kay Presidential Communications Asst/Sec. Marie Banaag matapos ang ginawang board meeting ng NEDA nuong Martes na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga ito ay ang Mindanao Railway Project; Malolos-Clark Railway Project; Cavite Industrial Area Flood Risk Management Project; Clark International Airport Expansion Project at Education Pathways to Peace sa mga conflict affected areas sa Mindanao.
Gayundin ang bagong Communications, Navigation and Surveillance at Air Traffic Management System Project; LRT Line 1 North Extension Project o ang Common Station; Arterial Road Bypass Project Phase 2; Kilawa Dam Project at ang Chico River Pump Irrigation Project.
Giit ni Banaag, inaasahang makapagbibigay ito ng mga dagdag na trabaho para sa mga Pilipino sa sandaling masimulan na ang mga proyekto upang maging daan para sa lalong pagsulong ng Pilipinas.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Mga proyekto ng administrasyong Duterte inaprubahan na ng NEDA was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882