Isasailalim sa auditing ng binuong task force ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga infrastructure projects ng Department Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bahagi pa rin ito ng katungkulan ng expanded task force na imbestigahan ang kurapsyon sa gobyerno.
Gayunman, sinabi ni Roque na hindi niya pa mailalahad ang mga partikular na proyekto ng DPWH na magiging bahagi ng imbestigasyon at auditing.
Aniya, makabubuting hintayin na lamang aniya ang isusumiteng report ng task force.
Una nang hinimok ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng DPWH na sangkot sa mga katiwalian na agad na magbitiw sa puwesto.
Dagdag pa ng Pangulo, pinakamabisang paraan din para matukoy kung may ghost projects sa ahensiya ang pagsasagawa ng auditing.