Malabo umanong matapos ng administrasyong Duterte ang mga proyektong pang-imprastraktura nito sa labing pitong (17) legislative districts para sa taong 2018.
Ito ang ibinabala ni Albay Rep. Edcel Lagman matapos tanggalan ng pondo ng kongreso ang mga priority projects na nakahanay sa mga distrito partikular sa mga lugar na puntahan ng mga turista.
Giit ni Lagman, tiyak na aaray ang mga residente ng mga apektadong distrito dahil sa pagmamalupit na ito ng liderato ng kongreso.
Magugunitang nasa dalawampu’t apat (24) na opposition congressmen ang tinapyasan ng pondo para sana sa kanilang mga proyekto.