Kinuwestyon ni Sen. Cynthia Villar ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa tila pakikialam nito sa mandato ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ito’y hinggil sa pagtukoy ng mga ikakasang proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program ng Administrasyong Duterte na ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon ay isang malaking kapalpakan.
Ayon kay Villar, nagtataka aniya ang DPWH dahil sa mga ambisyosong proyektong inilatag ng NEDA sa programa gayung karamihan dito ay tila hindi naman napag-isipang maigi.