Ipinalalatag ng Senado sa Department of Transportation o DOTr ang mga nakalinya nilang mga proyekto na mangangailangan ng emergency powers para maipatupad.
Ayon kay DOTr Undersecretary Tim Orbos, nakatakda nila itong iprisinta sa Senado sa susunod na linggo.
Sinegundahan ni Orbos si Senador Grace Poe na dapat sertipikahan nang urgent ng Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang emergency powers para sa pagpapatupad ng mga proyektong pang imprastraktura ng pamahalaan.
Sakali anyang maging batas ang emergency powers para sa Pangulo, halos isang taon na lang ang natitira nilang panahon para maipatupad ito.
“Actually yan na talaga ang kailangan, kumbaga konkretong measures ang hinahanap ng Senado na dapat naming i-presenta hindi lang blanket na emergency powers, next year sabay-sabay na ang pagtatayo ng lahat ng projects na ginugusto natin na makatulong in the long term, subway, MRT-7, common station, andami din pong ginagawa ng DPWH.” Ani Orbos
Maliban sa matagal na proseso ng bidding, sinabi ni Orbos na isa sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga proyekto ang right of way.
“Nagkakaipitan po tayo sa right of way acquisition, so ang iniisip namin na maganda siguro to ask the judicial branch of government na mag-provide na ng isang ROWA court na kung saan talagang mabilis ang dispensation na any case regarding right of way, diyan po tayo nagtatagal, diyan tayo nahihirapan palagi, kung hindi natin matapos ngayong terminong ito hindi na natin masasabi kung kalian ulit.” Pahayag ni Orbos
(Ratsada Balita Interview)