Tinatayang dalawa punto limang (2.5) bilyong dolyar na halaga ng mga prutas at isda ang bibilhin ng Russia sa Pilipinas sa susunod na labindalawang (12) buwan.
Lalagdaan ang kasunduan sa pagitan nina Agriculture Secretary Manny Piñol at Russian Agriculture Minister Alexander Tchakyov sa gitna ng official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Moscow.
Ayon kay Piñol, bilang kapalit ay bubuksan ng Pilipinas ang pinto nito para sa mga farm machinery at karne mula Russia.
Isa ang Russia sa pinakamalaking producer ng karneng manok sa mundo at kabilang sa mga nangungunang exporter ng agricultural machineries.
By Drew Nacino
$2.5B na halaga ng prutas at isda bibilhin ng Russia sa Pilipinas was last modified: May 24th, 2017 by DWIZ 882