Siniguro ng Department of Health (DOH) na nanatiling ligtas kainin ang mga prutas at gulay na nalagyan ng abo ng Bulkang Taal.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, dapat ay hugasan lamang ito ng mabuti para matanggal ang mga abo.
Ngunit ang babala ng DOH na iwasan muna ang pagkain ng mga isda mula sa Taal Lake dahil sa toxic chemicals na posibleng nakaapekto na sa mga isda doon.
Kilala ang Taal Lake bilang tahanan ng mga fishpond na nag-aalaga ng tilapia, bangus at tawilis.