4 na araw bago magpalit ang taon, nananatiling mababa pa rin ang presyo ng mga bilog na prutas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Sa Divisoria sa Maynila, nasa P100 ibinebenta ang kada 7 piraso ng mansanas.
3 – P50 naman ang orange habang ang peras, nasa P100 ang 4 na piraso.
Nasa P50 din ang kada balot ng Kiat-kiat habang gayundin ang kada piraso naman ng Pomelo.
Nasa P180 naman ang kada kilo ng ordinaryong Grapes habang nasa P250 naman ang seedless.
Sa Balintawak market naman, nasa P20 ang kada piraso ng Dalandan, P10 kada piraso ng Fuji Apple habang P50 din ang kada balot ng kiat-kiat
Nasa P5 naman ang kada piraso ng Ponkan habang naglalaro sa P30 hanggang P50 naman ang kada piraso ng Pomelo at Pakwan.
Kasunod nito, asahan na ayon sa mga tindera ng prutas ang pagtaas ng presyo ng kanilang mga paninda habang papalapit ang bisperas ng Bagong Taon.
By: Jaymark Dagala