Obligado na ang mga pampubliko at pribadong paaralan na magsagawa ng random drug test sa kanilang mga estudyante sa highshool ngayong taon.
Ayon kay Department of Education Secretary Leonor Briones, layunin ng nasabing kautusan ang palakasin ang programa ng kagawaran laban sa iligal na droga at matulungan ang mga estudyanteng magpopositibo.
Paglilinaw ni Briones, sakaling magpositibo sa drug test ang isang estudyante ay hindi ito patatalsikin o paalisin sa paaralang pinapasukan.
Wala rin aniya magiging epekto sa grado o academic records ng nagpositibong estudyante at hindi rin gagamitin para ito ipakulong.
Sa halip ay isasailalim ang ito sa counseling o posibleng irekomenda sa magulang na ipasok sa rehabilitation center.
Ang mga paaralan namang mabibigong sumunod sa kautusan ay isusuplong sa PDEA at Dangerous Drugs Board.