Wala pang naitatalang Covid-19 cases ang mga pampublikong paaralan na nagsimula na sa limited face to face classes sa mga low risk area.
Ito ang inanunsyo ng Department of Education kahit hirap sa pagpapatupad ng Covid-19 health protocols ang ilang eskwelahan sa kanilang mga mag-aaral.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma, kabilang dito ang mga nasa kindergarten na nagtatanggal ng face mask.
Aminado naman si Garma na napaghandaan na nila ito lalo’t hindi rin sanay na magsuot ng face mask ang mga bata.
Sa ngayon ay nasa limampu’t anim sa isandaang public schools na ang nagsumite ng kanilang ulat kaugnay ng pilot run. —sa panulat ni Drew Nacino