Hindi na muna bibigyan ng periodic exam ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan.
Ayon ito kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio kaya’t ang mga written outputs at performance tasks na lamang ang gagamitin para i-assess ang kaalaman ng mga estudyante.
Maaari rin naman aniyang magsulat ang mga bata ng mga natutunan sa leksyon o makapagrecord ng isang talumpati na nagpapaliwanag ng kanilang pang-unawa sa pinag-aralan.
Sinabi pa ni San Antonio na posible ring malimitahan ang distance cheating kung tatanggapin ang periodic exams lalo pa’t may ilang magulang o guardian ang sumasagot sa mga activity sheet ng mga mag-aaral.
Subalit nilinaw ni San Antonio na hindi naman obligado ang private schools na gawin o sumunod sa naturang polisiya.
Magugunitang nitong Marso ay hindi na itinuloy ng Department of Eduction ang final exam para sa fourth quarter ng nakalipas na academic year matapos magsara ang mga paaralan bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.