Hinikayat ng Malakanyang ang mga public servants, maging ang mga opisyal ng pamahalaan, na manatiling nakafokus sa kani-kanilang mga trabaho at huwag pansinin ang mga ingay lalo na ang mga isyu sa pulitika.
Ito ang mensahe ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isinagawang Budget forum sa PICC sa lungsod ng Pasay.
Binigyang-diin ni Executive Secretary Bersamin na dapat nakatutok ang mga kawani at opisyal ng pamahalaan sa pagpapabuti at pag-angat sa buhay ng mga Filipino.
Malinaw anya ang mandato para sa mga public servants na pagsilbihan ang sambayanang Filipino nang may integridad; dedikasyon at tunay na pagmamalasakit.
Pinangunahan naman ng mga cabinet secretaries, kasama ang mga economic managers, ang 2025 budget execution forum kahapon. – Sa panualt ni Kat Gonzales