Asahan pang malalagas ang mga bumibyaheng jeep sa Metro Manila, kasabay ng panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.
Ito ang kinumpirma ni Liga ng Transportasyon at Operator ng Pilipinas o LTOP national president Rolando “Ka Lando” Marquez.
Ayon kay Marquez, hindi naman niya mapipigilan ang kanilang mga miyembro na tumigil sa pamamasada lalo’t kakapiranggot na lamang ang naitatabi nilang kita.
Bukod dito ay hindi pa rin anya nakatatanggap ng fuel subsidy ang ilan sa kanilang kasamahan kaya’t nawawalang ganang bumiyahe.