Nagpang abot ang mga pulis at mga militanteng miyembro ng grupong kilusang Mayo Uno sa kilos prostesta sa Mabini, Maynila.
Pinipilit buwagin ng naturang grupo ang hanay ng mga pulis para makalapit sa embahada ng Estados Unidos.
Dito na binomba ng tubig ng mga otoridad ang mga ralysta upang maaawat ang mga ito sa paglusob sa U.S. embassy.
Bahagyang nagkaroon din ng tensyon ang ginawang kilos protesta ng grupong Bayan-Timog-Katagalugan para kondenahin ang pagbisita ni United States President Donald Trump para sa 31sth ASEAN Summit.
Tinangkang buwagin ng naturang grupo ang orange barrier na iniharang para hindi sila makapasok sa CCP Complex kung saan ginaganap ang ASEAN Summit.
Sinunog din ng grupo ang isang watawat ng Estados Unidos kung saan bungo ang nakalagay sa halip na mga bituin.
Giit ng mga militante nangungunang terorista ang Estados Unidos sa buong mundo at ginagamit ang kanilang kapangyarihan sa mga asyanong bansa para sa kanilang sariling interes.
Binatikos din ng mga ralyista ang panghihimasok ng Amerika sa Pilipinas sa Visiting Forces Agreement, Enhance Defense Cooperation Agreement.
Kinondena rin ng grupo ang kampanya kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte at tila ang pagiging malambot ng Pangulo sa usapin ng West Philippine Sea.