Inisa-isa ng mga mababatas ang mga posbileng pagkakamali ng Resorts World Manila noong gabi ng Hunyo 2 kung kailan umatake ang lone gunman na si Jessie Carlos.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara sa naturang insidente, ikinumpara ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang kuha ng CCTV ng Resorts World at ang kuha ng isang netizen na nakasaksi sa pangyayari sa pamamagitan ng Facebook live.
Nabunton din ang sisi sa mga rumespondeng pulis sa insidente dahil tila hindi nila alam kung ano ang unang gagawin bukod pa sa ginawang lockdown ng Resorts World sa buong hotel – casino.
Ayon pa kay Fariñas, nailigtas sana ang may tatlumpu’t pitong (37) nasawi sa nasabing insidente kung nagkaroon lamang ng malinaw na pag-uusap sa panig ng pulisya.
“Kaya nga po ang pulis nakikita naman po namin yung lapses wala pa tayong command post na lahat ng lumalabas dapat hino-hoild muna yan para ma-interview, to get a versant account of do you threat inside, wala namang na-threat doon, nakita nga ho natin sakanila, they believe that there was a threat assumed of your audio dahil nag iwan nga ng ammunition ito pumuputok ito but couldn’t easily found out especially in your part kung nag usap-usap naman po kayo. Ang amin po dito yung loss of lives eh”, pahayag ni Fariñas.
Chairman ng Travellers International Hotel Group Ipina-subpoena ng Kamara
Ipina-subpoena ng Kamara ang chairman ng Travellers International Hotel Group ang kumpanyang may hawak ng Resorts World Manila na si David Ming Chua.
Ito ay matapos hindi makadalo si Chua sa ikalawang araw ng pagdinig ng Kamara sa nangyaring pag-atake sa nasabing hotel – casino.
Ayon kay Resorts World Manila President Kingson Sian, nakabalik na ng Hongkong si Chua bago pa man maipalabas ng Kamara ang imbitasyon dito.
Si Chua ay hindi residente ng Pilipinas at pumunta lamang sa bansa para dalawin ang mga biktima ng insidente.
Giit ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, nais na nilang matapos ang pagsisiyasat at importanteng marinig na nila ang panig ni Chua.
Vc: fariñas
“We already issued the subpoena but kindly tell your chairman, Hongkong is less than two hours away I think he should found time to be here also Sir because we wanted to rapped this up already.”
“Which is not good for the public especially our foreigners that we are still conducting inquiry, we should lay this up as soon as possible, congress can do its job then back to normal na ang buhay natin but if people like your chairman does not find time to fly here, eh hindi naman maganda yun”, ani Fariñas
By Krista De Dios | With Report from Jill Resontoc