Ibinalik na sa mga pulis ang pagbabantay sa paligid ng PNP General Headquarters sa Kampo Crame.
Ito’y ayon kay PNP Spokesman C/Supt. Wilben Mayor ay dahil sa mapapaso na sa Nobyembre 27 ang kontratang pinasok ng PNP sa kinuha nitong security agency.
Mangangailangan muling buksan ang public bidding para kunin ang serbisyo ng mga security agency na magbabantay sa paligid ng kampo.
At dahil sa matagal ang proseso ng public bidding kaya’t kinakailangan ani Mayor na ibalik muna ang kanilang mga uniformed personnel upang hindi malagay sa alanganin ang seguridad ng kampo.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal