Pinagbawalan ng mag-leave ang lahat ng pulis simula ngayong araw hanggang Enero 6 ng susunod na taon.
Ito, ayon kay Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations, Director Danilo Constantino, ay dahil mas dapat maging visible ang mga pulis sa mga pampublikong lugar tulad sa mga mall at transport terminal na karaniwang dinaragsa tuwing magpa-Pasko.
Bukas naman inaasahan anyang daragsa ang mga mananampalataya sa iba’t ibang simbahan sa bansa sa pagsisimula ng Simbang Gabi.
By Drew Nacino | Jonathan Andal