Idinaan sa harana ng Legazpi City Police Office sa Albay ang kanilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Valentine’s Day ngayong araw.
Maliban dito, namahagi rin ng lobo ang mga pulis sa mga dumaraang motorista sa harap ng kampo Simeon Ola kung saan, nakasulat dito ang mga hotline numbers na dapat tawagan kontra krimen.
Ayon kay Bicol Regional Police Spokesperson P/Maj. Malou Calubaquib, paraan ito ng kanilang mga tauhan para ipakita ang pagmamahal at malasakit sa publiko.
Ito na ang ikatlong taon na nagsasagawa ng haran ang Bicol PNP tuwing sumasapit ang Pebrero 14 ng bawat taon o ang araw ng mga puso.