Nakatikim ng sermon mula kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Oscar Albayalde ang mga Pulis – Caloocan na tinanggal sa pwesto.
Sa harap ng mga tauhan ng RPSB o Regional Public Safety Battalion ng NCRPO na papalit sa mga sinibak na pulis, inisa-isa ni Albayalde ang mga nakarating sa kanyang reklamo kabilang na ang nangyaring panloloob sa isang bahay sa Caloocan.
Maliban dito, pinuna din ni Albayalde ang malalaking tiyan ng ilang pulis, hindi tamang pagsusuot ng uniporme ng mga ito at pag-angal sa tuwing ililipat ng ibang destino.
Umaasa naman si Albayalde na magsisilbing aral sa iba pang tiwaling pulis ang ginawang malawakang pagsibak sa Philippine National Police (PNP) Caloocan.
Samantala, binilinan ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde ang inilipat na mga pulis sa Caloocan-PNP na huwag umabuso sa kapangyarihan.
Sa isinagawang relieve in place ceremony ng Northern Police District, opisyal nang inilipat ang 1,300 ang mga tauhan ng RPSB o Regional Public Safety Battalion ng NCRPO kapalit ng mga sinibak na Caloocan police.
Ani Albayalde, hindi pa kasama dito ang mga pulis mula sa Davao na nagvo- volunteer mailipat sa Caloocan PNP.
Nakatakda namang simulan sa susunod na linggo ang retraining sa mahigit 1,000 Pulis-Caloocan na sinibak sa pwesto.
TINGNAN: Mga pulis Caloocan na sisibakin sa pwesto ngayon araw @dwiz882 pic.twitter.com/QvFxjovWJp
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) September 29, 2017
TINGNAN: Mga tauhan ng Regional Public Safety Battalion ng NCRPO na papalit sa mga sinibak Caloocan police, nasa NPD na pic.twitter.com/eJZbdWgQi6
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) September 29, 2017
TINGNAN: Mga sinibak sa pwesto na Caloocan police (kanan) at mga papalit sa kanilang tauhan ng NCRPO RPSB (kaliwa), nagharap pic.twitter.com/7KY8kYw1xz
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) September 29, 2017