Habag at pang-unawa.
Ito ang katangiang kailangang baunin ng mga tropa ng pulis sa muling pag-dedeploy sa kanila sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Senador Joel Villanueva, chair ng labor committee ng Senado, ito’y mga katangian na dapat ipamalas ng ating mga kapulisan sa pagpapatupad ng quarantine restrictions lalo na sa mga manggagawang Pilipino na naghahanap buhay.
Dagdag pa ni Villanueva, hindi maisusulong ang public health sa pamamagitan ng pagkukulong sa mga lalabag sa umiiral na quarantine restrictions.
Paliwanag pa nito, hindi naman pupwedeng itapon ang mga ito sa siksikang kulungan dahil mas magkakaroon ng hawaan sa COVID-19.
Sa huli, binigyang diin ni Villanueva na mass vaccination ang nararapat gawin at hindi mass incarceration. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)