Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang hindi dapat makakuha ng cash reward ang mga pulis para sa drug related killing.
Ayon kay Vladymir Licudine, SWS Deputy Director for Survey Design, Analysis and Training 65 porsyento ng respondents ang kumontra sa tanong kung makatuwirang bigyan ng perang pabuya ang mga pulis na makakapatay sa mga umanoy sangkot sa paggamit o pagbebenta ng iligal na droga.
Sinabi ni Licudine na 15 prosyento ang pabor sa cash incentives at 20 porsyento naman ang undecided.
Lumalabas sa survey na malaking porsyento ng mga tutol sa cash incentives ay mga tiga Metro Manila at iba pang urban area.
Ang nasabing survey ay isinagawa mula September 23 hanggang 27 sa 1, 200 respondents sa buong bansa.