Hinimok ni Philippine National Police (PNP) Officer In Charge Lt. General Archie Gamboa ang lahat ng mga pulis na makibahagi sa pagbibigay ng tulong sa mga apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Taal.
Ayon kay Gamboa, kanyang pinaki-usapan ang mga pulis na magbigay ng tig sampung boluntaryong kontribusyon para makakalap ng pondo na ipagkakaloob bilang tulong sa mga evacuees.
Hinikayat naman ni Gamboa ang mga matataas na opisyal ng PNP na magdonate ng mas malaking halaga.
Sinabi ni Gamboa, oras makumpleto na nila ang kontribusyon ng bawat pulis, agad silang makikipag-ugnayan sa mga pamahalaang lokal sa Calabarzon para madala ang mga kinakailangang tulong ng mga residente doon. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)