Isasalang sa briefing ng Philippine National Police ang mga pulis kaugnay sa paglulunsad ng gobyerno ng bagong Emergency Hotline na 911.
Alinsunod sa direktiba ni DILG Secretary Ismael Sueno na i-educate ang mga telephone operator at responder bago ipatupad sa susunod na buwan ang bagong hotline.
Ayon kay PNP Spokesman Sr. SUPT. Dionardo Carlos, kailangang ipaalala muli sa mga pulis ang mabilis na pagresponde at iwasan ang pagtuturuan ng hurisdiksyon
Iginiit ni Carlos na batay sa protocol ng PNP, hindi na dapat magturuan pa ang mga pulis sa hurisdiksyon basta’t ang mahalaga ay agad marespondehan ang mga nangangailangan ng tulong.
By: Meann Tanbio