Mga pulis ang itinuturong nasa likod ng pagdukot kay Allan Fajardo, dating aide ni Mayor Antonio Halili, ang pinatay na mayor ng Tanuan, Batangas.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng pamilya Fajardo, mga pulis lamang ang may kapasidad na magsagawa ng pagdukot kay Fajardo dahil sa istilo at dami ng nagsagawa nito.
Sinabi ni Topacio na mayroong nakuhang testigo ang pamilya Fajardo na nagsabing nasa tatlumpu ang dumukot kay Fajardo at pawang armado ang mga ito ng malalakas na uri ng baril.
May hinala rin si Topacio na naharang ang sulat nila kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde kung saan humihingi sila nuon ng tulong matapos mapasama sa drug matrix ng Calabarzon-PNP ang pangalan ni Fajardo.
“Whether or not it is related sa drugs, wala po siyang pending criminal case just a briefer to give you a background of the pattern harassment perpetrated against Mr. Fajardo. Noong Mayo 2016, ni-raid po ng napakaraming pulis ang kanyang bahay kasi sinasabi na siya daw po ay miyembro ng gun for hire.” Pahayag ni Atty. Topacio.
Maybahay ni Fajardo nagpasaklolo na sa NBI
Nagpasaklolo na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang maybahay ni Allan Fajardo, ang dinukot na aide ni Mayor Antonio Halili, ang pinatay na mayor ng Tanauan, Batangas.
Misis nang dinukot na hepe ng anti-drugs campaign ng pinaslang na si Dating Tanauan Mayor Antonio Halili, dumulog sa NBI. | via Aya Yupangco pic.twitter.com/nSlBPhHbwv
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 5, 2019
Ayon kay Ginang Norin Fajardo, wala na silang tiwala sa Philippine National Police (PNP) lalo na’t may mga indikasyon na pulis ang dumukot sa kanyang asawa.
Sinabi ni Ginang Fajardo na nakatawag pa sa kanya ang kanyang mister nuong araw na dinukot ito.
Nangangatal aniya ang boses ng asawa at nasabi pa nitong napapalibutan sya ng mga pulis.
Si Fajardo ay matatandaang dinukot habang nasa isang hotel sa Sta. Rosa, Laguna.