Inoobliga na ng Philippine National Police o PNP ang mga pulis na magsama ng kinatawan mula sa human rights sa pagsasagawa ng Oplan Tokhang.
Batay sa bagong guidelines ng Tokhang, dapat may kasamang isang human rights officer mula sa PNP-HRAO o Human Rights Affairs Office o di kaya’y sinumang human rights advocate.
Pero hindi idinetalye sa guidelines kung sino-sino ang matuturing na human rights advocate.
Nakasaad din sa guidelines na dapat may kinatawan din mula sa simbahan at sa barangay na sasama sa Tokhang.
Maaari ring sumama ang media kung inimbitahan.
Ngayong araw, pormal nang magbabalik ang PNP sa ‘Oplan Tokhang’ matapos na muling isama ng Pangulong Duterte sa war on drugs ng administrasyon.
—-