Tutulungan ng mga ipinatapong Pulis Metro Manila ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa pagsugpo sa bandidong Abu Sayyaf sa Mindanao
Ito’y makaraang masama ang pangalan ni dating NCR Police Director Joel Pagdilao sa mga heneral na umano’y sangkot sa iligal na droga
Ayon kay PNP Spokesman S/Supt. Dionardo Carlos, hindi literal na isasabak sa operasyon ang mga ipinatapon na pulis lalo na sa pagtugis sa mga bandido kundi magsisilbi lamang silang support unit
Pagtitiyak pa ni Carlos, mahigpit ang kanilang pakikipag-ugnayan sa militar lalo na sa pagpapatupad ng law enforcement operations laban sa mga bandido
By: Jaymark Dagala