Matapos ang bagyong Lannie, muling pinaghahanda ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nito sa epektong dulot naman ng bagyong Maring.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, kaniya nang inatasan ang Police Regional Office 8 o Eastern Visayas at mga karatig na rehiyon nito na tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.
Inabisuhan niya ang mga kinauukulang yunit ng pulisya na palagiang alamin ang mga ulat mula sa PAGASA para sa pagkakasa ng maagang paglilikas kung kakailanganin.
Batay sa ulat ng weather bureau, kasalukuyang nasa Philippine Area of Responsibility na ang bagyo at erratic o sadyang pabagu-bago ang ikinikilos nito. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)