Matapos ang bagyong Lannie, muling pinaghahanda ng pamunuan ng Philippine National Police
(PNP) ang mga tauhan nito sa epektong dulot naman ng bagyong Maring.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, kanya nang inatasan ang Police Regional Office 8 o Eastern Visayas at mga karatig na rehiyon nito na tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.
Inabisuhan niya ang mga kinauukulang yunit ng pulisya na palagiang alamin ang mga ulat mula sa PAGASA para sa pagkakasa ng maagang paglilikas kung kakailanganin. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)