Nagsumite ng kanilang mga kontra salaysay ang mga pulis na akusado sa pagpatay kay Dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
Kasama sa mga dumalo sa preliminary investigation ng panel of prosecutors ng Department of Justice na pinamumunuan ni Senior Asst. State Prosecutor Lilian Doris Alejo sina CIDG Region 8 Head Police Supt. Marvin Marcos at Police Chief Insp. Leo Laraga.
Dumalo din sa pagdinig ang 20 iba pang pulis na respondent sa kasong multiple murder at perjury na inihain ng NBI o National Bureau of Investigation.
Itinakda ang susunod na pagdinig sa Pebrero 2, alas-10 ng umaga, at dito ay inaasahang isusumite na ng respondents ang kanilang kontra salaysay sa inihaing supplemental complaint affidavit ni Kerwin Espinosa sa pagdinig noong Lunes, Enero 23.
By: Katrina Valle / Bert Mozo