Nabigong makapaghain ng mga kontra salaysay ang mga inirereklamong pulis sa kaso ng pagpatay kay Kian Lloyd Delos Santos sa isinagawang pagdinig ng Department of Justice, kahapon.
Binigyan ng hanggang September 25, alas 10:30 ng umaga ang Panel of Prosecutors sina Chief Insp. Amor Cerillo, Police Officer 3 Arnel Oares, Police Officers 1 Jerwin Cruz at Jeremias Pereda upang magsumite ng kanilang mga counter affidavit.
Itinakda na rin ng panel ang mga susunod na pagdinig sa September 25, at October 2 hanggang 10 para naman sa reply ng mga complainant at rejoinder para sa mga respondent.
Present naman sa pagdinig ang mga magulang ni Kian na sina Saldy at Lorenzana maging si Public Attorney’s Office Chief, Atty. Persida Acosta na tumatayong abogado ng pamilya Delos Santos.
Ulat ni Bert Mozo
SMW: RPE