Kasado na ang inilatag na segurudad ng Philippine National Police (PNP) sa pag-arangkada ng kampaniya para sa lokal na halalan sa Marso a-25.
Ayon kay PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo, kabilang sa kanilang gagawin ay ang pagdaragdag ng mga tauhan lalo na sa mga lugar na may mataas na presensya ng mga terroristang grupo.
Nagbabala rin ang PNP sa mga kandidato na kukuha ng serbisyo ng mga Private Armed Group (PAGs) para i-harass ang mga kalabang kandidato.
Tututukan din aniya nila ang mga pulitikong dumidikit o nakikipagsabwatan sa mga sindikato ng iligal na droga para makalikom ng pondo sa pangangampaniya.
Hindi rin mangingiming kasuhan ng PNP ani Fajardo ang mga pulitikong nagbabayad ng permit to campaign at permit to win sa CPP-NPA at NDF na malinaw na isang uri ng pagtataksil sa bayan. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)