Tinatayang nasa 1,500 mga pulis ang ipakakalat sa mga pagdarausan ng mga kilos protesta bilang paggunita sa ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Ayon kay QCPD o Quezon City Police District Director C/Supt. Guillermo Eleazar, may mga nakatoka na silang tao mula sa pag-aayos ng daloy ng trapiko hanggang sa pagtitiyak ng seguridad para sa mga lalahok.
Nakipag-ugnayan na rin aniya sila sa mga militante na inaasahang magsasagawa ng programa simula sa Sabado, Pebrero 24 hanggang kinabukasan, Pebrero 25.
Ayon naman kay PNP Spokesman C/Supt. John Bulalacao, 300 pulis ang inaasahang lalahok sa tradisyunal na salubungan o re-enactment ng kapit bisig na pagmamartsa ng mga pulis at sundalo nuong 1986.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jonathan Andal
Posted by: Robert Eugenio