Inilipat na sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng CALABARZON PNP ang 2 Pulis na ininguso sa pagdinig ng Senado hinggil sa pagkawala ng ilang mga Sabungero.
Ayon kay PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo, maliban kina Pat. Roy Navarette at P/SSgt. Daryl Paghangaan ay iniimbestigahan na rin ang kanilang immediate Superiors dahil sa Command Responsibility.
Matatandaang tahasang itinuro ng pamilya ng mga sabungero sina Navarette at Paghangaan na siyang dumukot sa kanilang ka-anak sa Manila Arena partikular na si Ricardo “Jonjon” Lasco ng San Pablo City at Master Agent ng e-Sabong.
Una nang sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, P/MGen. Eliseo Cruz na kakasuhan pa rin nila ang mga inakusahang Pulis kahit itinanggi na nila ito.
Giit ni Cruz, hindi aniya mapasusubalian ang sinumpaang mga salaysay ng mga testigo na ka-anak din ng mga nawawalang sabungero gayundin ng mga nakalap nilang ebidensya. - ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)