Pinababantayan na ni PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa sa PNP Directorate for Intelligence ang mga pulis na madalas na umiistambay sa mga casino.
Ginawa ni Dela Rosa ang naturang direktiba matapos matukoy ang isang opisyal ng pulisya na pinuno rin ng isang kidnap for ransom group at nambibiktima ng mga casino junket operator.
Pag-amin ng PNP Chief, maraming mga pulis iskalawag ang nakatambay sa mga casino dahil ilan sa mga ito ang mga tinaguriang ninja cops.
Magugunitang ipinatapon ang mga ninja cops o iyong mga pulis na sangkot sa pagre-recycle ng droga sa Mindanao ngunit ang karamihan aniya rito ay hindi na nagreport pang muli.