Tiyak na may kalalagyan ang mga pulis na magpapagamit sa mga pulitiko lalo na ngayong papalapit na ang halalan sa susunod na taon.
Ito ang paalala ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Guillermo Eleazar sa mga pulis kasunod ng babala ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año hinggil sa pagpasok ng mga pulis laban sa partisan politics.
Ayon sa PNP chief, malaya ang sinumang pulis na magbitiw sa tungkulin kung nanaisin nitong sumuporta sa isang kandidato o pulitikong kaniyang pinaniniwalaan.
Gayunman, hindi dapat gamitin ng mga pulis ang kanilang uniporme para makialam sa pulitika lalo’t mas malaki ang mawawala sa kanilang benepisyo sakaling mapatunayang kumiling sila sa isang pulitiko.
Magugunitang sinibak ni Sec. Año kamakailan ang anim na pulis na sangkot sa pagpatay kay Moises Padilla, Negros Oriental Vice Mayor Ella Garcia – Yulo nuong 2017 na di umano’y ginamit ng kalaban sa pulitika ng bise alkalde.—Ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)