Binalaan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang mga pulis na magpapaputok ng baril sa darating na Bagong Taon.
Ayon kay Dela Rosa, pasensyahan na lamang dahil tiyak na pagkakatanggal sa serbisyo ang magiging kapalit sa mga pulis na mapapatunayang magpapaputok ng baril sa pagsalubong sa 2017.
Sinabi ni Dela Rosa na ang isa sa dalawang pulis na nagpaputok ng baril noong araw ng Pasko ay nahuli na at nakasuhan na rin ng indiscriminate firing at illegal discharge of firearm habang ang isa ay tinutugis pa sa Zamboanga del Sur.
“Wala kaming patawad, kapag kayo’y nahuli talagang tutuluyan namin kayo, kapag kayo ay nahuling nag-indiscriminate firing, you will face the full force of the law, sisiguruhin namin yun, lalong-lalo na kung kayo ay pulis.”
By Ralph Obina