Tiniyak ng Malakanyang na hindi makaka iwas sa kaso ang mga pulis na maagang magreretiro matapos masangkot sa illegal drugs.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kakasuhan pa rin ang mga pulis kahit pa magretiro sila kung may matibay na ebidensya.
Idinepensa rin ni Panelo si Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa sa alok nito sa mga pulis na kasama sa drug watch list na magretiro na lang para hindi na mahirapan ang kanilang validation commmittee.
Una nang ibinunyag ni Gamboa na 15 sa mahigit sa 300 pulis sa drug watchlist ang nagpahayag ng interes na magretiro na lamang ng maaga.