Nagbabala si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na sisibakin sa pwesto ang sinumang pulis na mahuhuling nagsusugal sa loob ng mga casino.
Ayon kay Dela Rosa , mahigpit na ipinagbabawal ng Pangulo ang nasabing gawain kahit pa legal ang pera na gagamitin ng mga ito.
Kaninang umaga ay pinangunahan nina Dela Rosa at PAGCOR Chair Andrea Domingo ang pagpapaskil ng mga babala sa Casino na nagbabawal sa mga empleyado ng gobyerno na pumasok at maglaro dito.
Batay sa tala ng PAGCOR , tinatayang nasa 20 manggagawa na ng pamahalaan kabilang ang mga mayor at kongresista ang inireport matapos na maaktuhan sa loob ng casino.