Walang lusot ang mga pulis na mapapatunayang sangkot sa indiscriminate firing.
Tiniyak ito muli ni Philippine National Police (PNP) Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos dahil kakasuhan nila ang sinumang pulis na lumabag sa direktiba ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na nagbabawal sa iligal na pagpapaputok ng kanilang mga baril.
Bukod dito, ipinabatid ni Carlos ang posibilidad na masibak pa sa serbisyo ang mga pulis na sumuway sa nasabing kautusan.
Nagpatupad din aniya sila ng One Strike Policy sa ground commanders na hindi magagawang maresolba ang mga kaso ng stray bullets sa kanilang nasasakupan sa loob ng beinte kuwatro oras.
Una nang napaulat na limang pulis ang nagpaputok ng kanilang baril sa bisperas ng bagong taon.