Nagpakalat ng mga pulis na Muslim ang PNP NCRPO sa mga sporting venue para sa Southeast Asian Games.
Ayon kay PNP NCRPO Chief Brig General Debold Sinas, layon nito na maalalayan ang mga panauhing atleta na nagmula sa Islamic countries na kalahok din sa nasabing palaro.
Sinabi ni Sinas na malaking tulong ang mga muslim police dahil alam ng mga ito ang pangangailangan ng mga kapatid nilang atleta lalo na sa usapin ng kanilang paniniwala.
Ang mga pulis na magbabantay sa mga lugar kung saan nanunuluyan ang mga muslim athletes ay magsusuot ng tradisyunal na Taquiyah na isinusuot sa ulo ng lalakeng muslim at Hijab na para naman sa mga babae.
Batay sa datos ng NCRPO, nasa halos 5,000 delegado ang dumating na sa bansa at nanunuluyan sa 34 na hotels sa Metro Manila at kasalukuyang naglalaro sa 19 na sporting venues. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)