Umabot na sa 1,699 ang bilang ng mga medical health worker ang nakapagparehistro na upang mabakunahan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay naman ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP OIC P/LtGen. Guillermo Eleazar, nasa 1,632 sa mga ito ang nabakunahan na ng Coronavac, habang 67 naman ang naturukan ng bakunang AstraZeneca.
Kahapon, nagsimula na ang pagbabakuna para sa police health worker gamit ang 350 mula sa kabuuang 700 doses ng AstraZeneca na hahatiin naman sa dalawang batch.
Habang nakuha naman na ng PNP ang dagdag na 1,200 doses ng Coronavac mula sa Sinovac na magsisilbing booster shot sa mga tauhan nilang una nang nabakunahan matapos ang 28 araw.
Samantala, nagnegatibo sa COVID 19 si PNP Spokesman P/BGen. Ildebrandi Usana habang naka-isolate naman si NCRPO Director P/MGen. Vicente Danao Jr na kapwa naging close contact kay PNP Chief P/Gen. Debold Sinas na positibo sa COVID-19. —ulat mula kay Jaymark Dagala